Monday, October 19

Image Hosted by ImageShack.us HOYOYOY ONDOY > > CHAPTER 8: WINAKO!!!




Buti na lang at naubusan na ng baterya ang brandnew slider handset ni Moi kakapicture sa amin sa labas dahil kung hindi e malamang mas tumagal pa kami doon kakapose malapit sa ilog. (pa bluetooth ako ha!) Matagumpay naman niyang naidocument ang malagim na epekto ng pananalasa ng bagyo, kaya napagpasyahan na naming maghiwa-hiwalay ng landas.
Matapos ihatid sila Jen, Becky at Cez sa kanilang boarding house ay sinimulan na namin ang aming paglalakbay. Makakauwi na rin ako, sa wakas. Pero ang eskinitang madalas tinatahak ko ng humigit kumulang 10mins matapos bumaba sa jeep papasok sa work ay inabot na ng 20-30mins pabalik dahil hirap kang makakilos sa sobrang kapal ng putik sa daan... Ako, Si Cha, Jay and Moi also witnessed how the Marikeňos held hand in hand and shoulder to shoulder if you would say saving their loved ones and their livelihood. Naroon na rin yung may walang awat sa paglilimas ng tubig-baha at putik na pumasok sa loob ng kanilang tahanan. Mayroon ding nagbubuhat ng iba’t ibang kagamitan palabas ng silid na iyong panghihinayangan sapagkat karamihan sa mga ito’y hindi na mapapakinabangan.
At last we made it to the highway! But damn, mukhang mas malayo pa ang aming lalakbayin. The road from Katipunan going to Marcos Highway was jammed. Ala eh! The scenario was bumper to bumper. All sorts of vehicles and passengers were there. May badtrip, nasiraan, usisero’t nagtsitsismisan at may chillax lng. So instead of riding a usual patok jeep going home, we have agreed to walk a few kilometres more along with the others. Kesa naman abutin kami ng kinabukasan sa traffic at muling mastranded. It was also a great opportunity to see the riverscape from the overpass that morn and get a vast view of the mass remainder brought by the onslaught at xmpre konting exercise. Hehehe.
Habang binabaybay naming ang kahabaan ng kalsada, I recall what I saw late last night, nagpang-abot pala ang langit at lupa. I witnessed how the raging waters kissed the still crossing. Gahibla na lang ata ang pagitan ng ilog at ng tulay. Well, saying these words might sound dumb and impossible but for sure mailalathala ito sa mga tabloids at dyaryo o makikita’t mapapakinggan sa radyo’t tv  sa mga susunod na oras o maaring maibahagi seo ng iba pang nakasaksi. Totoo nga rin ang text balita na naikwento saken kagabi, muntik ng masira ang tulay connecting SM and the highway. There were large dents exposed at the crossings end. Kung paano nangyari un?! It could be due to a strong crash made the barge or by unrestrained water pressure or maybe by both.
Then little by little we reached SM Marikina and I would like to give credits and kudos to the site developer, planner, archt and engrs who constructed the new landmark. Though apektado ang parking space sa ilalim ng mall dahil sa putik at oil spills e standing strong pa rin ito at nagmistulang isla sa malawak na katubigan.
It was a good thing na doon kami napadaan because we luckily met a co-worker and an acquaintance. He was stranded at SM Marikina that same night and he has his own story to share. But anyway, thanks to him because he was very kind enough to share a pack of his pandesal and mayo spread bought at Save More. Biro nia dinner daw nia un habang nagpapatila ng ulan sa brownout na mall. Geez. Nakalibre kame ng almusal... kape n lng ang kulang. Hehe. :-P


No comments:

Post a Comment