Nakaidlip pala ako ng ilang oras at di ko na namalayan na madaling-araw na pala. Sept. 27, araw at oras na nmn ng trabaho ng ilan at sa ilang saglit ay kailangan na nilang umadhere sa impact 3600 schedule gayundin sa kronos at mag auto-in. Buti na lng rest day ko na ng araw na iyon. Pero bigla kong naisip cancelled na pla ang workhours dahil sa sitwasyon at kasalakuyang walang linya ng telepono at kuryente sa kalakhang Maynila. Malamang iroute ang mga calls sa ibang site ng VMU – marahil sa Cebu, Sitel, Teleperformance o sa ibang bansa. Goodluck n lng sa mga agents!Bandang alas quarto nang umaga ay mejo umiingay na ang paligid at pinagigising at pinagtitipon ang lahat ng mga empleyado. Nakarating din sa wakas ang mga taga-labas upang magbigay ng tulong. Pinapila ang lahat para idistribute sa amin ang dala-dala nilang pagkain. May ilang kahon ng Mister Donuts, bila-bilaong pansit malabon at kalde-kalderong mainit na kanin at ulam. Habang nasa pila ay may isang lalaki na nagsalita at humingi ng pasensya kung sila ay natagalan. Hindi ko siya kilala pero sabi ni Cez may katungkulan daw iyon sa opisina. Sa admin or facilities ata siya naka-assign.
Gustuhin man nilang mkarating ng mas maaga ay di raw kakayanin kahit na nakipagcoordinate na sila sa emergency troops. Delikado raw ang sitwasyon sa labas and they had to wait until that time. Sabay biglang batid sa amin na ayon daw sa mga balita ay pinakaapektado daw at nasalanta ng husto ang lungsod ng Marikina, bayan ng Rizal, Pasig gayundin ang QC – at pinayuhan kaming mas mainam na manatili na lng muna sa bldg hanggang maging maayos ang kondisyon sa labas. Nagising ako sa binalita niyang iyon at mas nag-alala para saking kapamilya. There was an urge of going home right there and then, but there was also a fear if it is safe drifting back home...
Para kaming mga preso na nirarasyunan ng pagkain habang inaantay ang aming sentensya. “What’s your employee id?” Tanong ng mga coach/tl sa isang empleyadong nasa unahan habang hawak ang isang plato na marahil ay wala pa sa hulog dahil ngat mga kagigising lang. Nakakatwang isipin dahil mahirap ang kanilang tanong lalo pa’t kung di mo kabisado ang alphanumeric MNL employee code. Buti na lang at nakaprint yun sa aming id. Paano kung hindi mo nasagot ang tanong or kung nanghula ka lang. Makakatanggap ka kaya ng grasya? Hmmm. Akala ko may follow up questions pa tulad ng, “What’s your MAN id or Avaya/extension id?” Kaya pinaghahandaan ko na habang nasa pila. I even glanced at my identification card and tootoot card este scan card inside my pocket just to be sure. Mhirap na – pagkaen din yun! Sayang! Hehehe.
Then, there it was, chowtime na naman! Parang fiesta sa nayon. Kumaen kami sa long table sabay lagok ng Virgin Cola instead of sipping a hot coffee or tea para mainitan ang sikmura. Ayos lang kesa sa wala. Plano pa nga namin kalikitun ang vendo machines sa paligid (kahapon pa) para lang makakain at makainom ng libre habang inaantay ang rescue. Kaso baka mahuli at masita pa kami ng ilang guards na rumoronda na super extended ang shifts at ipablacklist. >:)
HOYOYOY ONDOY > > CHAPTER 6: WHAT’S YOUR EMPLOYEE I.D.?!

inset > our mnl or employee ids were actually printed beneath our photo. but for security reasons i had it not shown. hehe.
ReplyDelete