Friday, October 16

Image Hosted by ImageShack.us HOYOYOY ONDOY > > CHAPTER 3: PANTRY

    
          *Zzzt – Electricity was shut down but the downpour rises. Twas about past noon at tomgutz na ako. I remember di ako nakapag-almusal before pumasok ng trabaho dahil nga gahol nako sa oras. Isang malaking Chicken-Asado-Siopao with a small cup of Gulp Mountain Dew lng ang kinain at ininom ko nung 1hr break ko which was more than 6hrs ago pa.
Hindi naman kami makatawid papuntang mall to buy food and drinks dahil mejo mataas na ang tubig sa kalsada at sinarado na rin nila ang kanilang main entrance. Mukang ayaw nilang mabasa at maputikan ang tiles ng mall na madalas ay ginagawang pedestrian at natl road lng ng mga estudyante, tambay at mga empleyado mula Barangka papuntang Marcos Hi-way – vice versa. Even 7/11 which is just below our office di na rin nagpapasok ng customers. I wonder why.
We had none to go to. So, we decided to head back upstairs sa office dahil patuloy pa ang pananalasa ng bagyo at umaabot na sa aming mga paa ang malakapeng with coffee-mate na tubig-baha mula sa ilog. We stayed at the pantry and we’ve waited for hours and hours habang kumakain kame at naghati-hati sa baon kong Rebisco biscuits at Skyflakes, tsaka isang Tempura Cracklings na binili nmn ng katrabaho ko. Habang kumakain ay nagbabakasakali rin kaming tumila na ang ulan at humupa na ang tubig-baha sa pagnanais na makauwi sa kani-kanilang tahanan. But to our dismay, the rain pours heavier and the water current flows stronger. Kaya we had nothing to do but to kill the time. Kaya yun! We’ve cracked some jokes para lang mabuhayan ng dugo. Tapos kanya-kanya nang pasikat... Kanya-kanyang storya ng buhay – may tungkol sa buhay pag-ibig, pamilya at sa trabaho. Kumbaga e parang nasa Wowowee lng kame ng dos at nakasalang bilang contestant sa kanilang Willie of Fortune segment. We also even played games ng siete, like Pinoy Henyo of Eat Bulaga na hindi man lng namin natapos dahil nauwi lng sa tawanan at puro kalokohan. May pagkakataon pang umabot sa konting pikunan. Tsk! Even old school horror stories and experiences pinatos na rin para lng machange ang mood. Sabagay, dumidilim na rin kasi sa paligid. 
It’s around 5pm as I recall at ganun pa rin ang sitwasyon. It’s one of my first being stuck and helpless for that long and had no direct communication sa relatives. Biro nga nila – Virgin pa daw ako sa mga ganitong pangyayari. Hehehe. Since walang ilaw sa loob, may mga mangilan-ngilan na nangangapa sa dilim gamit ang backlight ng kanilang cellphone, psp at anumang gadget na dala-dala upang maghanap ng mas kumportableng pwesto para makapag-isa at makapagpahinga. At dahil nga mga callboy at callgirls kami, malamang mga kulang sa tulog. Or worse wala pang tulog. Yung iba di ko alam kung saan sila papunta... Cguro sa restroom at maglalabas ng sama ng loob. Lolz. :-P

No comments:

Post a Comment