Tandang-tanda ko pa mga 9:30pm habang nakalapat ang aming mga likod sa malambot na higaan ay patuloy pa rin ang pananalasa ng bagyo.May mga malalakas na dagundong kaming naririnig at may agam-agam na baka mga sasakyan iyon at kagamitan na nagbabanggaan sa ibabang bahagi ng gusali. Malakas pa rin siguro ang daloy ng tubig-baha at ng ilog... Hanggang sa may umalingasaw na amoy ng gas. Confirmed! Mga sasakyan nga iyon na naka-park sa ibaba na marahil ay pinagulong-gulong na ng bagyong si Ondoy.
Mahigit anim o pitong oras na buhat na ipaalam sa amin na may paparating na reinforcement at binigyan pa kami ng update na makakaabot raw ang tulong at mag-antay na lng kami ng mga 10-15 mins. Mukhang drawing lng ang announcement na iyon dahil kahit by chopper o by boat hindi kakayanin. So kanya-kanya na kami ng diskarte at oras na para mangaso sa kagubatan. Mala Survivor Phils – Marikina Riverbanks Edition ang eksena. Hehehe. Si coach James nakakuha ng isang bahagyang yuping delata ng tuna (sisig flavoured pa). Sabi nakita daw niya itong palutang-lutang sa baba at baka galing sa 7/11 o sa Save More Riverbanks Mall. Pero ang problema kung paano ito bubuksan at paghahati-hatian. Brainblast! Nagpabibo ako at niyaya ko si Jen na maghanap ng matls sa loob ng call floor na pwedeng magamit. Kung kaya sinuyod namin ang floor kahit ilang beses na kaming mabangga sa mga upuan at sa tables dahil sa sobrang dilim. Buti n lng at nakakita or should I say, nakakapa ako ng ballpen na pakalat-kalat katabi ng isang computer at si Jen naman ay isang cutter na maaaring nakalimutan o iniwan sa pagdedesign o pagredecorate ng bulletin board. Dahil sa amin kasi, no pens, no papers and no other stuff sa loob. (Subalit kung iisipin mo, dapat sa loob ng isang opisina present lahat ng school at office supplies. Anyway, that’s their policy and we can’t break it – somewhat.)
Tangan ang ballpen, I pounded the tin can with its ballpoint at binuksan ang lid via cutter. Tagumpay naman kahit inabot ako ng siyam-siyam sa pag-iingat na hindi mabali ang blade ng cutter. Mabuti na lng at nakahingi sila Becky ng kanin at lalagyan mula sa SMS (maintainance group) na kapwa stranded sa bldg. Its chowtime! Sama-sama naming pinagsaluhan ang laman ng isang lata ng tuna sizzling sisig, na mas malamig pa sa icetubig kasalo ang 2 cups ng kanin at isang balot ng Skyflakes na inireserba kong baon para sa ganitong pagkakataon. Habang kumakain ay nagkaroon kami ng kaunting biruan... Tulad na lng ng mga sumusunod: ₁Ialay si Jen o si Jay sa ilog para matigil na ang trahedya at maka-uwi na ang lahat. ₂Isa lang itong shooting ng isang pinagkagastusang pelikula na kahalintulad sa Evan Almighty at kami'y nasa loob ng Noah’s Ark at isasali sa Manila Film Fest. Kaso huwag naman sana, dahil 40 days and 40 nights ang pag-ulan noon ng walang humpay. ₃O di kaya’y pwede ring isa ito sa mga episode ni Joey de leon o ni Bitoy na maya-maya ay biglang sisindi ang ilaw at may sisigaw na “Yari ka!” at “Wow Mali!” Hahaha.
Ganun talaga siguro kapag nasa ganito kang sitwasyon. Palibhasa’y mga stressed at gutom kaya wala na kami sa katinuan at dinadaan na lng sa biro ang mga pangyayari para maibsan ang takot at ang kalungkutan. (naks! ang lalim) :-D
HOYOYOY ONDOY > > CHAPTER 5: SISID SISIG

No comments:
Post a Comment