Saturday, October 17

Image Hosted by ImageShack.us HOYOYOY ONDOY > > CHAPTER 4: READY.. SET.. GO!


From time to time a cellphone battery dies... Mainit at mas dumidilim sa paligid until it was a total blackout. Then we heard coach RJ shouting from somewhere and telling us to gather to one place until makarating ang reinforcement. Hearing that announcement was quite a relief.



Ilang oras na naman ang lumipas at karamihan ay super tomgutz na. Kaya  siguro the authority decided na ipamigay na ang mga food na nakastock sa pantry. Mga ilang case ng Virgin Cola at mga biskwit na balita ko ay galing pa daw sa 7/11. Yet it wasn’t enough para mabusog ang kumakalam na sikmura ng higit-kumulang sandaang empleyado na stranded sa 2nd floor ng ICT-MK2. Masaya na malungkot ang aming sitwasyon pero inenjoy na lang nmen. Mababakas nmn cguro yan sa ilang snapshots  attached d2 khit napakadilim ng paligid. Gayunpaman, kahit may mga nagrereklamong empleyado dahil sa kakulangan ng assistance at emergency facilities ay sa kalaunan ay inintindi na lang ang pangyayari. Wala naman kaming magagawa dahil hindi nga ito inaasahan.
Nakakapagod din pala ang tumunganga ng matagal habang naka-upo sa reclining chairs na hinakot ng ilan mula sa loob ng opisina at nag-aabang ng tulong. Buti n lang at may nainag kami na mga ahente na may dala-dalang bed sheets at cushion mula sa aming sleeping quarters. So nakihakot din kami. It was I, Jay, Jen, Cez and Moi who decided to go at nagbabakasaling mayroon pang naiwan na pwedeng higaan. Isang kalbaryo ang paghahanap na iyon dahil sa sobrang dilim at mejo malayo ang aming pupuntahan. Malaki kasi ang sakop ng facilities at ng opisina - biruan pa namin habang naglalakad sa mahabang hallway ay may nag-aabang na white lady sa dulo para iabot ang aming hinahanap. Noon pa man kasi ay maugong na ang balita na may nagpaparamdam sa quarters ng girls na siya namang mas nagpa-thrill sa aming paghahanap.
Jackpot! Tatlong kutson na lang ang natitira and guess what?! Nasa room pa ito ng girls na located sa pinakadulong bahagi ng 2nd floor. Buti na lng at malapit ang mga naiwang kutson sa pinto - just in case. Hehehe... Tanging isang cellphone lang ang liwanag namin ng mga panahong iyon at pinangangambahang ma-empty bat pa. Maka-ilang beses na kasi itong nagalert na malolow bat gayong naghahakot pa kami at malayo pa ang aming lalakbayin pabalik. Toot... Nag alert muli ang cellphone at mukang malapit na ito sa kanyang hangganan. Ready... Set... Go! Buhat ko ang isang malaking kutson, gayon din si Moi at share naman si Jay at Jen habang si Cez ang aming gabay. Kanya-kanyang takbo at nagsisiksikan sa mahabang hallway dahil walang gustong maiwan sa likod. Ang noo’y takutan habang umuusad palabas ay nauwi sa malalakas na tawanan. Pero aminado ako mejo kinabahan ako at pinagpawisan ng husto sa takot at kakatakbo sa mga oras na iyon.
Sa wakas, nailatag na ang tatlong kutson at pinaghati-hatian ng 15 mahigit na magkakatrabaho’t magkakaibigan. Haaay... Isa ito sa pinaka-nakakapagod na shift ngayong buwan. :-|

No comments:

Post a Comment