Yes! Uwian na. Pero malakas pa rin ang ulan sa labas kaya we decided to stay for a lil while sa loob ng building gang sa tumila. Then, we had some conversations with our coach regarding sa status of our performance as a Team and as individual. Until we decided to go downstairs to eat lunch at the Riverbanks Mall and have more chitchat. Since we’ve been working for the company for about 2 years now, hindi na bago sa amen na matanaw ang ilog na mataas ang tubig lalo pa’t walang tigil ang ulan buhat kagabi at may napapabalita pang bagyo. But to our surprise, siksik, liglig, rumaragasa at umaapaw na ang tubig-ilog ng Marikina – And it’s not the usual.
Biglang umiral ang aming pagkaisip-bata at naki-usisa sa mga pangyayari. Nakalimutan na ang gutom. Sayang di ko dala cp ko kaya I wasn’t able to document what’s going on that time. Pero at least yung mga katrabaho ko had a chance to get a glimpse and a snap shot of one historical event. Di bale pabluetooth ko na lng para may kopya ako pag may pagkakataon. Hehehe. Then a few mins more, nagtunugan na mga cp nila. Text dito, text doon. Tawag dito, tawag doon. Baha na daw sa Bayan, maging sa Pasig at pati na rin daw sa Rizal! Gayundin sa Katipunan, at kung saan-saan. Sabi may hanggang tuhod ang tubig baha, mayroon din sa bewang, dibdib (ng bibe), balikat, leeg at paa (kung nakabaligtad or hand stand). It sounded unreal so I decided na mkitawag to confirm the real score. I tried calling our landphone but it keeps giving me a busy tone. Sabi ko sa sarili ko telebabad na nmn cguro si mama - as always. So I tried calling it more than a couple of times but I really can’t reach them. Sinubukan ko n lang tumawag sa bahay ng isang kaibigan because I was thinking baka sira lang yung Iine ng phone na gamit ko.
“Hello.” Nabosesan na ako ng tao sa kabilang linya, palibhasa’y madalas kame magtelebabad. “Dong nasaan ka?” ika ni Inday (alyas ng friend ko). “Nasa office, dito sa Marikina Riverbanks. Kamus..?” Di nako pinatapos magsalita sabay bitaw na huwag nakong umuwi! “Andito kami sa 2nd floor...” Baha na daw sa Karville kanina pa at malapit na raw umabot ang tubig baha sa kisame ng kanilang bahay. Doon na ako simulang kabahan. Hindi ko na nagawang makapagsalita sapagkat maraming bagay na ang naglaro sa isip ko. Gang sa nagpaalam na siya sabay baba ng telopono. Malakas ang kabog ng puso ko’t gustong-gusto kong makibalita sa kalagayan saming bahay. Muli, sinubukan kong tumawag sa bahay... Nag-aalala nako dahil alam ko ang nandoon lang ay si mama at si papa na nasa tindahan. *Busy tone - wala talaga! Naisip kong tawagan si ate sa kanilang office sa may Sta. Mesa. Good thing khit di ko dala cp ko para icheck ang phonebook, I was able to recall and dial their no. *Ring – “Asia Walljoy.” Madalas si ate ang sumasagot sa phone pero hindi ko nabosesan ang nasa kabilang line. “Pwede po makausap si Ate Ghen, kapatid po nia ito...” Pero wala daw si ate at hindi daw pumasok. Sabay tanong sa sakin kung nasaan daw ako. Sinabi ko naman na nasa trabaho at stranded sa kasalukuyan. Nagulat ako sa sinabi niya, “Huwag ka ng umuwi!” Napatanong naman ako kung bakit at mas nagulat ako sa mga sinabi niya. Nakausap daw niya si ate sa cp kani-kanina lang at napag-alamang mataas na ang level ng tubig-baha sa amin sa Cainta at umabot na daw sa bintana ng bahay at ng sasakyan namin. Teka, elevated ang bahay namin mula sa natural ground line. Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko sabay rapport at matinding probe - ginamit na ang pagka-ahente sa call center.
Mejo naluluha na ako bago ko ibaba ang telepono dahil sa aking mga nalaman. Wala akong magawa kaya napadasal na lng ako kay Bro sabay kapit sa rosary na araw-araw kong dinadala na lagi ay nasa bulsa ko ng pantalon ko lng. :-|
HOYOYOY ONDOY > > CHAPTER 2: STRANDED

No comments:
Post a Comment